Komedyante si Mang Pidol, lahat ng pilipino ay kilala sya bilang magaling na komedyante. Mula bata hanggang sa matanda ay kilalang kilala sya dahil na rin sa dami ng pelikula na nagawa nya at mga telekomedyanteng shows sa TV. Ngayong araw ay nagluluksa ang buong Pilipinas sa pagkawala sa Industriya ni Mang Pidol. Marami syang naiwan na alaala. ako nung bata pa ako marami akong napanood na movie ni Mang Pidol lahat nakakatawa at lahat ay paborito ko.
Masayahing tao mahilig magpasaya at mahilig din sa babae :) kaya naman ang dami nyang anak at dumami na din ang mga apo nya.napakakulay ng kanyang buhay maraming pangyayari na hindi maganda at maganda. kahit na ano pa man ang mga iyon ay sigurado kong masayang umakyat ng langit si Mang Pidol dahil nagampanan o nagawa nya ang mga bagay na gusto nya gawin.
Walk of Fame in Eastwood City of Mr. Dolphy Quizon
Paalam mang pidol sana ay magkita tayo pag oras ko naman ang dumating. malamang ko maiis-starstruck pa din ako sayo
Hanggang sa Muli King of Comedy !!!