Jan 23, 2017

#teamkramer 's Pie Face Challenge


@dougkramer 

The mother of all pie face challenges!
Doug vs Chesca!
Should I take the fall?
Or...just enjoy the moment! 😂😂😂


Vice Ganda Concert February 14, 2017

Ito ang video ni Aura at Vice bilang pagiimbita sakanilang mga fans na manood ng concert ni vice sa Feb 14, 2017. guest si aura. ano kaya ang pasabog ng dalawang ito?





Nov 26, 2016

Chito Miranda and Neri Naig Miranda's Baby Alfonso


                                                  chitomirandajrWassup world.



Si Neri Naig at Chito Miranda ay nakita na ang kanilang pinakahihintay na anak na lalaki. Maligayang bati sayo Alfonso III :)

Napakaganda ng pangalan bagay na bagay sa isang baby na katulad ng anak ni Chito at Neri medyo rakista na medyo maginoo :)

chitomirandajrThis is my family.

I will do everything in my power para maalagaan sila ng maayos, to provide for them, to spoil them, and to give them an advantage sa future.

I will save and invest all my money for them. I will take care of myself better para mabantayan ko sila hanggang sa pagtanda ko. I will behave and not do anything stupid, I will work harder, and spend as much time with them as possible.

Kumuha din ako ng cordlife para sa anak ko. Mga 8k a year lang yun, chong. Google nyo. Sobrang solid yun. Para kahit paano mas kampante ako sa health ng anak ko sa future.

Parang spare tire lang yan eh. Ayaw mo syempre na ma-flatan ka, pero at least kampante ka na may reserba ka...just in case. Hindi yung maghahanap ka lang ng reserba kung kelan flat na yung gulong mo.

Anyway, tulog ngayon ang mag-ina ko. Sarap ng tulog nila pareho. Both of them, safe and healthy.

Tulog na rin ako after ng "Forged in Fire"...tapos gising ulit after 2 hours hehe!


mrsnerimirandaAko naman ang matutulog ngayong umaga. Si Daddy Chito ang nakapagpahinga ng madaling araw. Ako kase ang gising kapag madaling araw.

Salitan ng duty.

Mas masarap ang tulog naming mag ina kapag nagpapabe-breastfeed ako sa kanya. Gusto ko kase lagi siyang katabi, hehe! At mukhang gusto rin nya na yakap yakap ko siya lagi. Tulog na tulog talaga eh.

Sarap niyang titigan! Nakakagigil!

Salamat sa Diyos at ok kaming mag ina.

Thank you po, Lord.

Salamat din sa lahat ng prayers nyo. Ang sweet nyong lahat. Thank you!

#PamilyaMiranda




chitomirandajrSobrang proud talaga ako sa asawa ko.

Alam nyo kasi, takot na takot si Neri sa karayom. Kahit simpleng pagkuha lang ng dugo, namumutla sya, nagpapawis ang mga palad, at akala mo mahihimatay.

Kaya kung alam nyo lang kung gaano kahirap yung pinagdaanan nya sa pagbubuntis at panganganak, at kung paano nya buong tapang na tiniis at hinarap, mabibilib din talaga kayo.

Di ko nalang ikukwento lahat ng details...basta sobrang dasal talaga ako ng dasal, pero syempre di ko pwede ipakita kay Neri na sobrang kinabahan ako.

Kaya sobrang thankful ako na ok na lahat...ok na si Neri, at ok na ok din ang anak namin.

Totoo talaga yung sinasabi nila na nakayapak sa hukay ang isang paa ng manganganak.

Saludo talaga ako sa lahat ng mga nanay. Grabe.

Good job asawa ko!

Sorry kung senti ako...I'm sure you all understand, some of you more than most.



=====================================================================

Iyan ang mga caption nila sa IG posts nila napakaswerte ng pamilya na ito sa isa't isa napakamapagmahal, madiskarte, at siguradong magiging masaya kahit na may dumaan man na problema.

hanga ako sa sipag at tyaga ni Neri dahil sa pagiisip nya ng kung ano anong business hndi lamang para sa kanya kundi para na din sa mga taong pwedeng makinabang dito. pinakasikat ang Neri's Gourmet Tuyo kung interesado kayo ay magpunta lamang sa kanyang IG at doon makikita ang mga legit na reseller.

Maligayang pagdating sa mundong ibaba Alfonso. at maligayang pagiging magulang Neri at Chito naway maging masagana ang inyong buhay pamilya.



Pinoy soap opera

Nov 19, 2016

Jennylyn and Dennis lovers @ Amsterdam


Kuha ang mga litrato na ito sa IG ni Jennylyn at Dennis Trillo. halatang nageenjoy sila sa kanilang pribadong bakasyon. ang pagmamahal nga naman kahit na ano pa ang pagdaanan kung talagang kayo ay magiging kayo pa din, alam nating lahat na napunta sila sa ibang relasyon nung naagkahiwalay sila pero ito sila ngayon balik sa isa't isa sabi nga nila "love is sweeter the 2nd time around"








maraming salamat mga kapuso at kapamilya sa pagbabasa :) magandang araw!


Jun 19, 2016

Neri Naig And Chito Miranda's New Baby










May nabasa ako sa facebook na pagkatapos ng miscarriage ang susunod na baby ay RAINBOW BABY daw, siguro dahil pagkatapos ng unos may lalabas na bahaghari? kaya tinawag na RAINBOW BABY. kahit ano pa man ang tawag ito ay isang napakagandang biyaya mula sa panginoon na nanaisin talaga ninuman.. lalo na sa isang magasawa na katulad ni Neri at Chito.

Ito nga pala ang post ni Chito Miranda sa kanyang IG ( @chitomirandajr) na pinapakita ang baby bump ni Neri Naig. kaya pala hindi gaanong nagpopost si Neri sa kanyang IG ay dahil sa inaalagaan ng husto ng magasawa ang kanyang pagbubuntis. at nakasuporta naman dito ang matatalik na kaibigan ng magasawa na sina Angel Locsin at Bubbles Paraiso.

Naway maging maayos ang pagbubuntis mo ms, Neri! sabik na kami makita ang baby at ang unang family picture nyo. :)

**lahat ng larawan ay galing sa Instagram account ni Mr, Chito Miranda

Godbless,
Pinoy Soap Opera


Jul 6, 2015

My everything ♥️♥️♥️ #spartanbaby by dandanmatsunaga


via IFTTT

Now watch us whip /Nae Nae 😂😂😂😂😂😂 ahahahaha with #spartanbaby❤️❤️. @erichgg by dandanmatsunaga


via IFTTT