Aug 5, 2012

X Factror: KZ Tandingan

KZ Tandingan isang contestant sa palarong X Factor Philippines. 20 years old taga Digos City Davao del sur. isa sya sa pinakasikat at magaling na contestant sa X Factor Philippines. napakalamig ng boses at hindi matatawaran ang pagperform nya. sabi nya nga "ang mga pacontest na ganito ay hindi para lamang sa mga biritera at biritero" napaNGANGA ang mga manonood sa performance na binigay nua nung audition pa lamang.


Ang mga judges na sina Martin Niervera, Pilita Corales, Gary Valenciano at Charice ay nagandahan sa ibinigay ni KZ at talaga naman isa din ako sa instant na humanga sa talento ni KZ Tandingan. Gustong gusto ko pano sya kumanta maraming kulot at swabeng swabe ang pagkakadeliver ng kanta. kungbaga walang bahid ng gasgas ang boses.



At hindi lang iyon nagRAP pa sya yes! RAP!. pagkatapos nya kantahin ang pang-audition na kanta ay humirit pa ang mga judges at madla para sa isa pang kanta. nagustuhan ko rin ang kanta nya na may kasama pang RAP.



palagay ko malayo ang mararatingni KZ sa music industry sa pilipinas at sa labas ng bansa. nung matapos ang kumpetisyon noong sabado ng gabi kaming dalawa ng aking asawa ay bumoto para kay KZ. sana manalo ka KZ pero sa galing mo malamang namin na ikaw ang tanghalin na kauna-unahan na Xfactor Philippines.

                                         Audition ni KZ Tandingan sa X Factor Philippines 2012
                                            The Judges of X Factor Philippines 2012

KZ's youtube videos