9/12 – Namatay na si Digna, namatay syang hindi nagiisa dahil nasa tabi nya si Anna. Isang bagay na malamang na ikakatuwa ni digna dahil hindi sya nagiisa nung sya ay umakyat na sa langit.
Walang nagging problema sa libing si digna dahil ang kanyang abogado ang nagayos ng lahat. Sa harap ng puntod ni Digna ipinangako ni Anna na sya ang bahala kay Sophia mapupunta kung ano ang dapat na sa kanya. Ang Toy Company.
Bumalik na ng bahay si Anna ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkabalisa. Pagaalala kung papaano nya sasabihin kay Sophia ang totoo na sya ang pinaampon na anak nya.
Hanggang ngayon ay humahanap pa din sya ng tyempo kung papaano nya ito sasabihin kay sophia Sa sobrang hirap para sa kanya na sbaihin at humingi na sya ng tulong kay Jesus.
Isang umaga sa opisina sinabi nya kay Sophia kung gusto nya na wag na umalis ng Toy Company total ang pangarap nya naman ay makapagtrabaho sa isang malaking kumpanya. Ayon kay Sophia gusto nya nga magtrabaho sa isang kilalang kumpanya pero masyado na maraming kumplikasyon sa lugar na ito kaya’t tatapusin nya lang ang misyon ni Madam ay aalis na sya.
Nagkaron ng pagkakataon na magkausap sila ni Bart. Sasabihin na sana ni Sophia ang totoo nyang pagkatao ngunit pinigilan sya ni Madam Anna kaya’t ang nobyo nyang si bart ay nagkaron ng hinala na may itinatago si Sophia sa kanya. Kaya’t naisipan nya na sundan sya sa paguwi para malaman kung san talaga sya nakatira.
Nagtagumpay si Bart sa pagsunod sa kanya at nalaman ang totoo na hindi sya talaga si Sophia Mendoza. Nagalit si Bart at pinaratangan sya nitong sinungaling. Bilang isang ina yinakap ni Anna si Sophia at pinakalma at sinabi nya na ilabas ang lahat ng sama ng loob at umiyak lang ng umiyak.
Samantala sa opisina nakumpirma na babae ang anak ni Madam Anna Manalastas ngunit hindi pa alam nila Bobby at Miranda kung nasan ngayon ang anak ni Madam.
Hanggang sa susunod na kabanata.