Feb 27, 2013

Anne Curtis Asap Birthday Presentation


February 24, 2013 sa ASAP nagperform si Anne Curtis ng isang napakabonggang singing production. sa sobrang bongga pinutakte ng media ang controversial na suot ni Anne Curtis. Ika nga nila wala daw Panty si Anne. pero ayon ang sa kanyang pahayag may tangga daw sya sa ilalim kasi nga mababasa sya. for safety reason. minsan na kasi nagkaron ng wardrobe malfunction itong si Anne at ayaw nya ito maulit kaya nagtangga daw sya sa ilalim.

Sa aking palagay kahit sino naman ata na magsusuot ng ganung kataas ang slit ay magsusuot talaga ng pangilalim kaya hindi na kailangan kwestyunin kung may panty sya o wala. dyosko! eh konting hakbang lang sa damit na yun siguradong kita ang langit mo kung hindi ka magpapangilalim. 

Ang mali nga lamang sa kanyang suot at masyado itong mataas kaya pag tinignan sa TV muka na sya walang saplot sa ilalim. ayon ay kung titignan mo sa labas. 

Marmia ang nakihype sa nangyaring ito kay Anne Curtis. Karamihan saatin ay nagenjoy naman sa kanyang production number hayaan na lang naten ang kaseksihan nya. 

Mabuhay ka Anne ang ganda at seksi mo talaga,

Ciao!
Pinoy Soap Opera

Feb 26, 2013

Mario Maurer And Cacai



Love is in the air with Cacai and Mario Maurer. Maraming kumakalat na balita na break na si Mario sa long time GF nya na si Gub Gib.

Eto ang link ng interview both sides
Interview with Mario Maurer and long GF break up

at ito naman ang makakapagpatunay na may namumuong pagtitinginan kina Mario at CaCai.
So malamang ko maraming maiinggit at masusuklam kay cacai. sa gwapo ba naman ng boyfriend mo sino ang hindi maiingit di ba? pero hindi ako kasali dun ha.

Nagkasama sila sa movie ng Star Cinema na "A little thing called love" kapartner nya dito si Erich Gonzalez.

Nagingay ang pangalan ni Mario Maurer dito sa Pilipinas ng mapanood ng karamihan ang movie nya na "Crazy little thing called love"

Minsan na rin nagguest ang dalawa sa GANDANG GABI VICE kung san makikita sa mata ni Mario ang paghanga sa dalaga.

Gandang Gabi Vice Episode with Mario and Cacai

Sabi nga ni Cacai ""love is not blind, it only see what others cannot"."

marami pa kayong makikita na pictures ni cacai sa IG nya ifollow nyo lang
 Cacai's IG ilovekaye

Napakaswerte ni Cacai at ang haba haba ng hair. God bless kung totoo man na kayo na. Magparami kayo nawa!

Ciao!
Pinoy Soap Opera

Feb 24, 2013

Paula Peralejo and Charlie Fernandez's Wedding




Paula Peralejo and Charlie’s wedding

Bata pa ako ay nakikita ko na si Paula sa TV. It was “AngTV” days then “Tabing Ilog”. Gusto ko si Paula kasi simple at pilipinang pilipina ang ganda. At syempre gusto ko din yung kaloveteam nya sa “Tabing Ilog” na si Patrick Garcia na ngayon ay may anak na kay Jennylyn Mercado pero hiwalay na sila. Back to Paula, nawala sa limelight si Paula sa limelight hindi ko alam kung bakit pero ang mga kasabayan nya gaya nin Jodi Santamaria, Desiree Del Valle, at Kaye Abad ay active pa rin. Naisip nagasawa na kaya sya kaya sya nawala? Nagpunta ng ibang bansa? May anak na? Mali pala lahat ang iniisip ko nasagot lahat ang tanong ko nung nabasa ko ang blog ng ate nya na si Rica Peralejo http://realrica.com/blog/a-sister-to-love/

Walang karne sa handa nila kundi ito lang Cake nila na mukang  Lechon. cute di ba?


Artistic animal fruit ...cuteness


labor of love. everything was handmade.


Hindi ko na siguro kailangan maglagay ng picture ni Paula kasi sa blog pa lang ng ate nya mabubusog na kayo sa pictures. Super love ko ang blog post ni Rica for Paula full of love. Written from heart kungbaga. Ang swerte nila sa isa’t isa kasi they get along very well alam naman naten na may ibang magkakapatid na sagad sa buto ang pagkagalit sa isa’t isa. May kapatid ako pero lalaki naman so cool cool lang.

Ikinasal si Paula kay Charlie nitong nakaraan lamang feb 23, 2012. At ang kanilang napiling theme ay filipiniana. Pure Filipino made at lahat pangpinoy pero hindi lang pusong pinoy ang mageenjoy kahit ibang lahi ay tiyak na masisiyahan sa kanilang hinandang kasal. Napaka interesante kasi parang nagbalik ang unang panahon. Sa totoo lang may thing ako for luma or yung unang panahon. Pero ayoko tumira sa lumang bahay gusto ko sa modern takot ako sa mumu eh…weird ba J

Paula’s IG: filipinadiver husband nya tulogboy
Hashtag ng kasal nila #kasalangpinaglabanan
I forgot Rica’s IG